INOSENTE

Isang araw sa eskwelahan, tinanong ng kanyang guro si Juan.

Guro: Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
Juan: Hindi po ako ang bumaril kay Jose Rizal.
Guro: Juan, hindi ako nagbibiro. Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
Juan: Hindi po talaga ako, peksman.

Galit na galit ang guro kay Juan. Sinabihan nito na dalhin ang magulang bukas. Kinabukasan........

Guro: Ang anak niyo ay hindi masagot ang tanong ko. Tinatanong ko lang naman kung sino ang bumaril kay Jose Rizal.
Tatay ni Juan: Ayyyyy mabait po ang anak ko. Inosente po siya. Hindi po talaga siya ang bumaril kay Jose Rizal!