BAWAL MAGALIT

Si mister, umuwi ng bahay na lasing...

Misis: Ano ba 'yang utak meron ka? Anong oras na?!! Akala ko nakalimutan mo na pauwi!
Mister: (bumubulong) Buti nga umuwi pa ako eh.
Misis: Anong binubulong-bulong mo?!
Mister: Wala!
Misis: Ano nga!!!
Mister: Sabi ko, 'wag kang nagagalit!!! (hik!)
Misis: At baket hindi ako magagalit aber?!!
Mister: E kasi nawawala ang pagkalasing ko (hik!), gumaganda ka sa paningin ko kapag lashing ako eh!!! (hik!) Kapag sinisigawan mo ako,(hik!) nawawala pagkalasing ko, pumapanget ka na naman (hik!)!